SA LONDON
Mga Dahilan ng Pagtira sa London
* Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles
* Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinasna isinulat ni Morga.
* Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Pagtawid sa Atlantiko
* Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika.
* Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ngyoyo.
* Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin ng sangkatauhan. napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman sageopolitics.
* Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at nagpalipas ng gabi sa Hotel Adelphi.
Ang Buhay ni Rizal sa London
* Dumating si Rizal sa London ngMayo 25, 1888.
* Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado sa London.
* Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at may address na 37 ChalcotCrescent, Primrose Hill.
* Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na isang organista ng Katedral ng St. Paul.
* Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit sa British Museum.
* British Museum - ang pambansang aklatan ng England na nagtataglay ng napakarami at mga di-karaniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan.
Mga Balita sa Mula sa Pilipinas
* Masamang Balita
* pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling sa pagpapa-alis ng mga prayle sa Pilipinas.
* pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang ginawang petisyon para sa repormang agraryo.
* Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya laban sa Noli Me Tangere , gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol.
* Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis.
* Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay.
Magandang Balita
* abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa pagbabatikos ng mga prayle.
Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga
* Sucesos de las Islas Filipinas -isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas.
* Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin, Argensola, at Plasencia ukol sa mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
* Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan at kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe aynasa pagitan ng bawat hanay ng mga salita.
* Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang pagsasaliksik pangkasaysayan sa London.
* Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano Ponce sa alok nito na maging patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino.
* Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita sa Paris upang basahin ang ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque Nationaleo pambansang aklatan ng Pransiya.
* Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang propaganda.
* Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.
Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda
* Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na Asosacion La Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884.
* Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong Pandangal ng Asociacion La solidaridadbilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa.
* Nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La Solidaridad na nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng samahan.
* Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang makabayan na amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda.
Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad
* Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipinas
* Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya.
* Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan.
* Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
* Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan.
Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng pahayagang La Solidaridad na maging
makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng mga mababasa ang kanilang
opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga mamahayag na binabayaran ng mga
prayle na gumagamit ng pandaraya at mga bulgar na salita.
Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa pahayagang La
Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi na
ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid
sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula
sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay daan sa pag-
unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining ng agrikultura sa bansa.