ESTADOS UNIDOS
Ang Paglalakbay sa Amerika
* Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco.
* Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera.
* Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng kolera sa Malayong Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na walang epidemya ng nasabing sakit sa Hapon.
* Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind makapasok agad ang mga manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon.
* Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na makapasok ang 700 bales ng sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng gamot.
* Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa kuwarentenas pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang panahon.
* Tumuloy si Rizal sa Palace Hotelsa kanyang panahon ng pananatili sa San Francisco.
* Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod ng New York.
* Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan.
* Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya patungo ng London.
* Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika
Mabuting Impresyon
- ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid, at lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika.
- Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano.
- Ang likas na kagandahan ng bansa.
- Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao.
- Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa.
Masamang Impresyon
Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento