Ang Pagdating sa Japan
* Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand Hotel.
* Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong lunsod ng nasabing bansa.
Sa Tokyo
* Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon.
* Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga sumusunod:
- -Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan
- -Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol
* Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat.
* Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita ngnihongo.
* Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang.
* Pinag-aralan din ni Rizal angkabuki, sining, musika, at jujitsu.
* Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong Pilipino.
A.Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
* Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
- Ang kagandahan ng bansa
- Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon
- Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa
- Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
- Halos walang pulubing makikita sa lansangan.
*Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.
* Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San.
* Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at siya ay ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.
* Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo.
* Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng katarungan.
* Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.
* Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino.
* Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman.
* Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at tagapagturo.
* Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo.
* Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San .
* Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya sa Tokyo.
Pag-alis sa Japan
* Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong Belgic.
* Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal.
* Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay mamamahayag, nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.
- Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa ay pinaalis sa kanilang mga
bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.
- Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na nagaganap sa kanilang bansa.
- Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng kanilang mga kababayan.
- Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng pamahalaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento