Mga Sinulat ni Rizal sa London
* La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat nni Rizal laban kay Padre Jose Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas Alang, nalathala sa Barcelona. Dito ay labis na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong katangahan.
* Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa panunudyo.
* Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos na noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila ng pagkakataon na mag-aral ng wikang Espanyol kahit ito ay laban sa kagustuhan ng prayle paroko ng Malolos, Bulacan.
* Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang mga sumusunod na pagpapayo ni Rizal sa mga kababaihan:
* Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa sangkatauhan.
* Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na nasisiyahan na makita ang kanilang mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan.
* Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang karangalan at dignidad.
* Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na maging edukado, maliban pa sa pagpapanatili ng kanyang mga likas na katangian.
* ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal, pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano na may mabuting moral at kaugalian.
* Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles sa London na may pamagat na Specimens of Tagal Folklore at Two Eastern Fables.
Ang Romansa kay Gertrude Beckett
* Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at tinawag niya ito sa palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng claypara sa kaniyang iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie.
2.Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan sa kanyang mas mahalagang misyon sa buhay.
3.Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na gawang lilok na may pamagat na :
a. Promotheus Bound
b. Triumph of Death Over Life
c. Triumph of Science Over Death
d. Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett
1. Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng Paris.
Lucky Star Casino CT - JtmHub
TumugonBurahinLucky Star Casino CT in 순천 출장안마 CT is a 군포 출장마사지 Wedding 부산광역 출장샵 Venue offering an exceptional experience. 오산 출장마사지 With a stay at our Lucky Star Casino CT venue, 사천 출장마사지 you'll be next to a